Telltales that transcend the train of thought.

Sa loob ng bus.

Posted in insights, musings by rowlandanthony on September 13, 2008

A pitiful poetic effort written in my mother tongue.

I know i’m a big loser when it comes to written prose in Tagalog – my vocabulary is of nursery school standard – but hey, at least I tried. (:

***

Sa loob ng bus.

Sa loob ng bus,

Maliit, masikip, makipot ang daanan,

Masakit ang umupo sa matigas na upuan,

Minsan punuan, minsan walang kalaman-laman,

Maamoy, masangsang pag maraming Indian.


Araw-araw, ay aking libangan

Ang tumingin-tingin ng mga kotse sa daan.

Hindi kagaya doon sa Gensan

Magagarang klase, makikita dito saan man.


Subalit gaya ng alinmang libangan,

Ito’y ‘di mo maiiwasang pagsawaan.

Kaya naman batung-bato ang isipan;

Parang nakalubog na sago sa ilalim ng gulaman.


Mahirap ang maglakbay nang mag-isa lamang;

Walang kausap, walang kakwentuhan,

Walang karamay sa sikip ng upuan,

Walang kasabay sa patutunguhuan.


******


Sa loob ng bus, buhay ay walang kulay

Pakiramdam ko tuloy may kulang sa buhay:

Isang taong pwede kong maging karamay

Sa aking araw-araw na paglalakbay.


‘Di ko naman naisip ang bagay na ito dati

Ngunit ang kalungkutang nadarama’y tumitindi.

Tunay ng pag-ibig, puso’y humihingi

Makatakas sa lungkot ng bawa’t gabi

Sa loob ng bus.

*******

Tagged with: , ,